Wednesday, October 5, 2011

Mga pangyayaring hindi inaasahan. (Veronica Munchua)

               Bilang isang tao sa mundong ito, maraming mga pwedeng mangyari sa ating pang araw- araw na buhay. Mga pangyayari na masasaya at mga pangyayari na hindi natin inaasahan na pwedeng makapag pabago sa ating buhay na hindi natin  kailanman makakalimutan. Ito ay ang mga pangyayari na susbok sa ating buhay. Na sa atin nalang yun kung pano tayo tutugon sa mga pag subok na ito : kung taoba ay mas titibay pa dahil sa mga pag subok na napag daanan o kung tayo ay mag papadala lang kagad.

                Sa bansang Pilipinas marami ng dumating na mga iba`t ibang uri ng kalamidad. Mga kalamidad na nag pabago sa maraming mga Pilipino. Kalamidad na kumuha ng maraming buhay ng mga mamayan, mga taong walang kaalam alam na mapapaaga ang kanilang buhay dahil lamang sa isang kalamidad na dumating sa kanilang buhay. Sa isang taon, mahigit kumulang 20 na bagyo ang inaasahan na dumadating sa Pilipinas. Ang ika-15 na bagyo na tumama sa bansang ito para sa taong 2009 ay tinawag na "Ondoy." Nung Setyembre 26, 2009. humagupit ang bagyong "Ondoy." Ito ay isang malakas at matinding bagyo na hindi inaasahan ng lahat. Walang tigil na hagupit na malalakas na hangin at matitinding buhos ng ulan ang naramdaman ng mga Pilipino sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan para sa araw na iyon.

            Sa loob ng Siyam na oras tumagal ang pag buhos ng matitinding ulan at malakas na hangin na naramdaman sa iba’t ibang lugar at nag bunga ito ng pag kamatay ng 687 na katao at 37 naman ang nawawala. Na puntirya rin ang karamihan na mga tahanan at ari-arian ng mga mamayang Pilipino. Nag dulot rin ang bagyong Ondoy ng matinding pag baha sa maraming parte ng Pilipinas at marami ring mga kabuhayan sa mga probinsya ang mga nawala dahil lang sa hagupit ng bagyong ito. Nawalan rin ng mga kuryente ang halos buong Maynila at nawala rin ang mga linya ng telepono. 

            Kahit ang aking pamilya ay hindi kami nakatakas sa hagupit ng bagyong Ondoy. Pinasok ng tubig ang aming bahay at tuluyan ng nag baha sa loob na umabot hanggang tuhod. Wala kaming magawa kung hindi mag akyat ng mga kagamitan sa ika-lawang palapag n gaming bahay para walang masira. Sobrang nahirapan kami kumilos dahil puro tubig na ang aming bahay. Hindi namin inaasahan na papasok ito. Nag lalakad kami sa tubigan at sobrang nahihirapan kasi alam naman naming na hindi malinis ang mga tubig na ito at pwede pa makuhaan ng sakit. Kumakain kami ng walang ilaw at natutulog ng walang kuryente. Hindi kami makalabas ng aming bahay dulot ng malalakas na ulan at hagupit ng hangin. Kahit linya ng telepono ay nawala rin kaya naman wala kaming paraan para kamustahin ang mga kamang-anak namin sa ibang lugar. Kahit ang mga cell phone naming ay wala narin baterya at wala kaming paraan para mag charge dahil nga sa kawalaan ng kuryente. Buti nalang sa panahon na iyon ay may sapat na pagkain kami na naimbak ang aming mga magulang para may makain kami. Ang tanging libangan nalang nain noong panahon na iyon ay ang radio de-baterya ng aming katulong. Duon naming naririnig ang mga balita at kaganapan na nagyayari na sa buong Pilipinas at kung ano na ang balita sa bagyong Ondoy.  

            Talaga nga naman hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari sa ating buhay. Maraming mga kaganapan na hindi natin inaasahan na darating nalang at wala na tayong magagawa pag andiyan na. Wala na tayong magagawa kung hindi harapin nalang ang mga ito at maging malakas. Dapat ay lagi tayong handa sa kahit anong mangyari sa atin. Wag tayo bibigay na lamang pag hindi na natin kaya. Isipin nalang natin na kung nahihirapan na tayo ay may mas nahihirapan rin sa atin. Dapat ay mag pasalamat nalang tayo sa ating buhay na mayroon tayo at patuloy na mag dasal sa may kapal na lagi niya tayong gabayan sa ating pang araw-araw na gawin sa ating buhay. Wag rin natin kalimutan na lagi lang siyang andiyan kahit anong mangyari. May mga pamilya, kaibigan at mga tao rin na hindi tayo pababayaan at handing tumulong sa pang araw-araw na buhay natin. 

No comments:

Post a Comment