Wednesday, October 5, 2011

Nang Humagulgol ang Langit (Vinalay)

Ika-26 ng Septyembre, 2009, ang araw na tumama ang Ondoy; ang araw na kumitil ng maraming Pilipino at sumira sa ating mga ari-arian. Aakalain mo nung una ay isang normal na maulan na araw lamang at hindi magkakaproblema. Doon kami nagkamali.
Septyembre 25 pa lang ay wala nang humpa y ang pagbuhos ng ulan. Sa isang Pilipino, ito ay hindi na bago. Lagi lagi namang may malakas na ulan si Pilipinas lalo na sa panahong iyon. Kahit ang PAG-ASA mismo ay di nila inaasahan ang matinding pag-baha na idinulot ng Ondoy.
Pagpatak ng mga alas-dyes o alas-onse ng umaga ay nagsimula ng pumasok ang tubig sa loob ng aming bahay ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi na ito bago. Binabaha naman talaga kami sa aming subdibisyon kaya naman hindi namin, pati na rin ang ibang Pilipino, naisip na may matindi pang pagsubok na darating.
Tumaas ng tumaas ang lebel ng tubig habang patuloy naman ang paghagupit ng bagyong Ondoy. Sinubukan naming itaas ang mga gamit ngunit walang patawad ang pag pasok ng tubig sa loob ng aming bahay kaya naman marami-rami din kaming hindi nasalbang gamit.
Sa labas ng aming bahay, napakaraming Pilipino rin ang naghihirap at nagsisikap na mabuhay at maisalba ang kani-kanilang mga kagamitan, ngunit kahit anong pagpupursige ng mga Pilipino, marami paring binawian ng buhay at marami pa ring mga ari-ariang nawasak.
Nakaupo si Leah sa sofa – nagbabasa ng libro – habang ang kaniyang kapatid na si Tanya ay naghihikahos na nagaakyat ng mga kagamitan nila sa bahay. Malaks ang hagupit ng hangin sa labas, nagbabadya ng matinding unos na paparating. “Leah! Ano ba?! Tumulong ka nga dito! Hindi ka ba nanood ng balita kanina? May paparating na malaks na bagyo ah!” ang sigaw ni Leah mula sa kusina. “Grabe ka naman ate, konting hangin lang takot ka na? Don’t you worry my dear sister, matibay naman ‘tong bahay natin.” mahinahong sagot ni Leah.
“Pwede ba Leah, wag mo akong ingle-inglesin ngayon! ‘Di porket kakagaling mo lang sa Amerika ay wala ka nang gagawin dito sa bahay.”
“Ate naman, hangin lang yan!”
“Anong hangin lang yan? Palibhasa wala ka dito sa Pilipinas noong naghasik  ng lagim ang Ondoy.”
Naalala ni Leah ang Ondoy. Natakot nga siya noong siya’s nasa Amerika dahil walang balita tungkol sa pamilya niya noon. Tiningnan niya muli ang punto kung saan nagkikita ang pader at dingding. Kitang-kita pa ang marka kung hanggang saan umabot ang tubig noong humagupit ang bagyong Ondoy. Buti na lamang, dalawang palapag ang kanilang bahay kung kaya’t si ito nalubog ng buo.
                Nakatingin lamang sa bintana si Leah nang marinig niya ang mga unak pagpatak ng ulan hanggang sa tuluyan itong lumakas, bawat patak ay sing laki ng buto ng langka. Unti-unting nag-panic si Leah dahil sa lakas ng pagbagsak ng ulan ngunit nanindigan siyang hindi magbabaha. “Never namang mauulit ang Ondoy, right?” ang pabulong na tanong niya sa sarili. At para bang alam ni Tanya ang mga bumabagabag sa isipin ni Leah, “Leah, bilis-bilisan mo! Ganitong-ganito rin noong bagyong Ondoy, tandang tanda ko pa. Pakiramdam ko mauulit nanaman eh. Diyos ko! Wag naman sana.”
“Ay nako, ayoko nga tumulong, nakakatamad! Baka naman pagkataas natin ng lahat ng gamit ay biglang humupa ang bagyo.” Ang reklamong sagot ni Leah. Pagkasabi niya nito ay biglang nagliwanag ng sandali ang kalangitan na nasundan ng isang dumadagundong na kulog at biglang lalong nagdilim ang langit.
“Oh ano?” ang payabang ng tanong ni Tanya.
“O sige na nga! Magtaas na po!”

No comments:

Post a Comment