Sunday, October 9, 2011

Pagsubok


Garcia Patrizia 
IV-8
            Ang buhay ng isang tao ay sabi nga ng nakararami maihahalintulad sa isang gulong na paikot ikot lamang. Hindi pwede habang buhay  tayo ay nasa itaas. May mga pagkakataon din na tayo ay nasa ibaba at makararanas ng paghihirap. Ngunit naniniwala ako na sa bawat pag bagsak na mararanasan ng isang tao sa kanyang buhay ay makatutulong ito na siya ay mas maging mas malakas at determinado para sa hinaharap. Ang taong umiiwas at takot humarap ng mga pagsubok sa buhay ay sa huli ay siya rin ang kaawaawa. 
Naranasan na ito ng aking pamilya. Lumaki ako na nabibigay ang lahat ng gusto at kalian ko sa buhay. Kung ano man ang gustuhin ko ay naibibigay saakin ng aking mga magulang. Ang bahay na aming tinitirhan ay kumpleto sa gamit. Naroon ang sala na may telibisyon, lamesa at tv. Ang kusina na kumpleto sa mga aparato at mga kwartong kumpleto rin sa gamit. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat ng kagamitang pinahahalagahan at  pinag trabahuhan ng aking mga magulang. 
Isang di inaasahang pangayayri ang sumalubong hindi lamang saaking pamilya ngunit sa libong libong pamilya sa ating bansa. Nakalulungkot talagang  isipin na sa isang araw lang ay milyon-milyong halaga ng mga kagamitan ang nasayang, libo-libong tao ang namatay at daan-daang pamilya ang naapektuhan. Ika-dalawamput anim ng Setyembre taong 2006 dumating ang bagyong  Odoy sa Pilipinas. Walang tigil ang ulan, bente quarto oras ang pag buhos nito at siyang naging dahilan ng matinding pag baha  kaya nama’y halos buong Metro Manila ang nasalanta .maging ang ibang mga gusali at opisina ay binaha. Halos walang kalyeng madaanan at nagkaroon ng ubusan sa pagkain. Napakyaw ang mga delatang tinda sa mga sari sari store at maging sa mga malalaking pamilihan. Maraming mga taong hindi na nakauwi mula sa kani kanilang opisina. At maraming residente ang nilikas ang kanilang tahanan dahil abot bubong na ang tubig na pumasok sa kanilang tirahan. Hindi naging madali para sa ating bansa harapin ang problemang ito. Sunod-sunod ang trahedyang nararanasan ng mga Pilipino tila ang mga ito ay walang katapusan. Ang ating gobyerno ay sinubukang tulungan ang mga taong nasalanta at wala na talagang pera pang bili ng makakain. Nag bigay sila ng mga donasyon para sa mga nanganagilangan. Kung titiganan natin puro perwisyo nga ang naidulot ng sakunang ito. Ngunit ating isipin ang magandang naidulot ng pag dating ng bagyong ondoy sa ating bansa. Nagkaisa ang mga Pilipino at tayo ay naghawak kamay at nagtulungan upang lahat ay makaraos. Ang mga pamilyang matataas ang antas sa ating lipunan ay hindi nag dalawang isip magbigay ng tulong. Natuto din tayong mas manalig ant mgtiwala sa Panginoon, naniniwala na malalagpasan rin ng ating bansa ang suliraning hinaharap.
Sa nangyaring ito masasabi natin na wala nga talagang pinipili ang trahedya. Mayaman man o mahirap ay kasama.ngunit sa bawat suliraning dumarating sa ating buhay hindi natin dapat ito hayaang mapabagsak ang ating pagkato bagkus, dapat  maging susi ito upang makami natin ang tagumpay.

No comments:

Post a Comment