Sunday, October 16, 2011

AKO ANG PAG-ASA (Trisha Vitanzo)

“Ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan” –wika ni Jose Rizal na pinaniniwalaan ng maraming tao. Sapagkat may iba rin, binabaliwala ang kahalagahan ng kasabihang ito. Tunay nga bang mga kabataan, na katulad ko, ay karapat dapat na itawag ang pag-asa?

Noong ako ay inosente sa realidad at sa mga problema ng ating bansa, inaamin kong wala akong pakielam sa mga suliranin na hinaharap nila noon. Iniisip ko na magagawa at masosolusyonan naman ito ng mga nakakatanda dahil mas higit ang kaalaman nila sa mga bagay na ganito. Naalala ko mahilig kong hanap hanapin ang nanay ko sa aking tabi kapag ako ay matutulog, dahil noon ay naniniwala ako sa mga multo at mga demonyo na mahahanap mo sa ilalim ng iyong kama. Lagi ko ring inaasahan ang aking tatay sa mga takdang-aralin na sa tingin ko ay mahirap ngunit hindi ko pa nasusubukang sagutin at intindihin ng husto. At dahil lagi silang nandiyan sa aking tabi, nakasanayan kong magawa ang isang bagay kasama ang aking magulang. Kaya’t naniwala ako na ang mga taong katulad ng aking tatay at nanay ang makakaahon sa ating mga problema dahil sila ang aking pag-asa habang kinikilala ko ang tunay na mundo.

May isang parte sa aking buhay na pinagsabihan ako ng aking nanay, “Anak, wag ka laging umasa sa amin! Dapat matuto kang gumawa ng mga bagay magisa dahil pagtumanda na kami ng daddy mo, wala nang magaasikaso sa inyo kundi ikaw.” Nang marinig ko ito mula sa bibig ng aking nanay, napagisip ko na tama nga naman ang sinabi niya sa akin. Balang araw, mawawala na sila sa tabi ko. Mamaya maya hindi na nila kayang gawin yung mga bagay na makakaapekto sa kanilang kalusugan. Sinubukan kong tapusin ang isang bagay mag-isa, ngunit ako ay bumigo. At kahit paulit-ulit man akong hindi nagtagumpay, hindi ito nagging rason sa pagtigil sa pagtiwala sa aking sarili na makukuha ko lahat ng aking pinaghirapan. Pinalaki ako ng aking magulang na may disiplina at respeto. Mahalaga sa kanilang ang mga ugaling nabanggit ko. Sabi nila, kung wala ang mga ito hindi magtatagumpay sa buhay ang isang tao.

Biniyayaan ako ng Diyos, at binigyan ng pagkakataon na tumakbo bilang isang Sangguniang Kabataan Chairman. Marami akong nagawang proyekto para mapabuti ang aming barangay. At dahil sa pagiging aktibo at maresponsableng chairman, ako ay nakilala sa aming barangay dahil napapakita ko kung ano dapat ang isang lider. Ngayon, napapatunayan kong kahit sa simpleng bagay na magagawa mo para sa kapwa mong tao, marami ka nang matutulungan at mapapasaya. Napakita ko sa mga kabataan na parating may solusyon sa lahat ng problema. Napapabukas ko ang kanilang mata sa realidad at huwag matakot harapin ang mga pagsubok na dadaan sa ating buhay. At higit sa lahat, ako ay tumayo bilang isang ate, kaibigan, lider, at inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon na batang katulad ko.

 Masasabi ko na ako ay isa sa mga “pag-asa” sa ating bayan. Libulibong bata ang makakaahon sa ating problema, sigurado akong magagawa natin yun kapag lahat tayo ay nagkaisa at nagtulungan.

Thursday, October 13, 2011

Buhay mo ang kapalit (Sittie Macarasam)



     Maagang bumangon si Dolores, 42, upang  ipagluto ng almusal ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa naman na si Isidro, 45, ay hindi pa umuuwi mula sa trabaho.  Sila ay mahirap lamang at nakatira malapit sa tabing-ilog sa lungsod ng Bulacan. Hindi siya mapakali dahil batid niya na may masamang mangyayari sa araw na ito. Nararamdaman na ni Dolores ang bugso ng hangin sa labas ng kanilang bahay ngunit hindi niya ito pinansin dahil nakasanayan na nila ang mahanging kapaligiran. Sumasabay na rin ang pagbuhos ng ulan at ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar at doon nalang nalaman ni Dolores na isa na palang bagyo dahil wala silang telebisyon o radyo.


     Nang matapos na ni Dolores hugasan ang mga pinggan na kanilang pinagkainan ay agad niyang tinawag ang kanyang dalawang anak upang tulungan siya na itaas ang kanilang mga kagamitan sa may bubungan dahil malapit nang pasukin ng rumaragasang tubig ang kanilang bahay. Agad namang umuwi si Isidro mula sa trabaho nang marinig niya ang tungkol dito ngunit hindi pinahintulutan ng mga pulis si Isidro na pumunta sa kanilang bayan dahil baka hindi niya ito kayanin dahil sa  lakas ng agos ng tubig na sasalubong sa kanya papunta sa kanilang tirahan. Tumataas na ang lebel ng tubig sa kanilang bayan ngunit hindi parin lumilikas sila Dolores at ang kanyang mga anak dahil ayaw niyang lisanin ang kanilang bahay sa kadahilanang ito nalang ang tanging ala-ala na iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Maraming bahay na ang nakalubog sa baha at ang tanging makikita na lamang ay ang mga sirang bubong ng bawat tahanan. Hindi na rin makapasok ang mga rescuer upang sila ay matulungan kaya’t tanging panalangin nalang ang sandata ni Dolores sa nangyayari sa kanila.Gumawa ng paraan ang mga rescuer para matulungan nila ang mga nasalanta ng bagyo na nanatili parin sa bubungan ng kanilang mga bahay. Naisip nila na bagsakan ang mga ito ng lubid mula sa isang elikoptero at pagkatapos ay hihilain ito upang makaalis na sila sa kanilang pinaroroonan. Ang lebel naman ng tubig ay hindi na huminto sa pagtaas hanggang sa umabot na sa puntong malapit na rin silang malunod. Bigla namang dumating ang mga rescuer at nagbagsak ng lubid, ang pagtulong ay paisa isa dahil baka bumigay ang lubid na kanilang kakapitan. Malapit na silang malunod kaya naman wala nang pinalipas na oras si Dolores at agad niyang pinauna  ang kanyang bunsong anak na si Donna, 13. naging kritikal na ang pangyayari dahil isa nalang sa kanila ang pwedeng masaklolo dahil kapag silang dalawa ng kanyang anak ang kukuha nang lubid ay baka maputol ito. napagpasyahan ni Dolores na ang kanyang panganay na anak na si Martha, 17 nalang ang kukuha ng lubid dahil iniisip niya na marami pang pwedeng gawin sa buhay si Martha. Hindi naman sumangayon si Martha at tila nakipagtalo pa ito sa kanyang ina sa kalagitnaan ng baha. “Hindi ko kayo iiwan, inay” wika ng dalaga. Ngunit kailangan niya ng kuhanin ang lubid dahil kung hindi ay baka silang dalawa na ang malunod. “Alagaan mo si Donna at sabihin mo nalang sa iyong itay na mahal na mahal ko siya at lagi niyong tatandaan na nasa tabi niyo lang ako parati” sagot naman ng ina. Agad na kinuha ni Martha ang lubid at siya ay nakaligtas kasama na ang kanyang nakababatang kapatid na si Donna.

    Makalipas ang ilang araw ay humupa na ang baha sa Bulacan at natagpuan na ang bangkay ng  mga biktima. Nangyari ang insidente noong ika-27 ng Setyembre 2011 at naitala ng mga lokal na opisyal na may 21 namatay at 35 naman ang nawawala. Ang bagyong ito ay tinaguriang si bagyong “pedring” na puminsala ng 600 na kabahayan. Sabi ng mga lokal na opisyal na ang bagyong ito ang pinakamatindi sa laha ng bagyong dumaan dahil ngayon lang sila nakaranas ng ganitong katinding bagyo. Nalaman  naman ito ng pamilya ni Dolores at sila ay nagdalahmati sapagkat si Dolores ay isa sa mga biktima ng bagyo. 

Sunday, October 9, 2011

Kalawakang Puno ng Bituin (Margareth Peredo)

          Nung Setyembre 29 ang bandang westlife ay dumating sa aming bansa at nag sagawa ng konsiyerto, sila, kasabay nang "Backstreet Boys" ay ang mga sikat na banda ng 90's na tinitilian ng mga kababaihan sa iba’t ibang edad. Ang limang miyembro ng banda ay naging apat nalang dahil sa pag alis ni Brian McFadden, ang mga natira ay sina Nicky Byrne, Kean Egan, Mark Feehily at si Shane Filan. Sa mga kanta nilang Uptown girl, Evergreen, Flying Without Wings at iba pa sumikat ang kanilang banda. Sa katunayan paminsan minsan kahit iniisip natin na “jologs” na ang ibang mga lumang kanta at laos na sa panlasa alalahanin natin na ito ang kinalakihan natin kanta, ang mga kantang kinakanta natin nung kabataan natin at ang sinasayaw natin tuwing naririnig natin. Ibang iba ang hatak ng mga musikang ito sa buhay natin at tuwing naririnig natin muli sa ating mga radyo, pakinggan natin ulit at alalahanin ang mga memoryang dala ng mga musikang ito.

Si Rose marahil ay isa sa mga nag iidolo sa bandang westlife, siya ay isang magaling na musikero na naging sikat pa lalo dahil sa isang tawag mula sa isang talent scout. Ito ang istorya kung paano siya naging bantog sa larangan ng musika.

"AYAN NA!!! AHHHH!!!!" narinig kong naghihiyawan ang mga tao sa Smart Araneta Coliseum ng lumabas na ang tagahayag. Kahit ako di na makapaghintay sa paglabas ng apat na lalaking tinitilian ng lahat, ngunit ang kagilakan ko ay may halong matinding nerbiyos. Tinignan ko ang paligid ko at di ako makapaniwala na totoo nga na ngyayari ito, dumilim na ang paligid at nakikita ko ang makukulay na ilaw na dala o kaya naman bili ng mga tagapanood, para mong tinitingnan ang kalawakan! Lahat ay punong puno ng enerhiya: sigawan at sayawan kung saan saan.

 Matagal ko ng idolo ang bandang Westlife, simula pa ng pagkabata ko ay ineensayo ko sa guitara ang mga kanta nila, sa katunayan sila ang dahilan kung bakit ko sinubukang mag tugtog. At sa pagkakataong ito, natupad na rin sa wakas. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ng taong tumawag sakin, "Magandang umaga ito po ba ang bahay ni Bb. Rose, ah ma'am! kung kayo po ay papayag, maaarin ho ba kayong maging guitarista ng isang banda para sa 'concert' nila dito?" - syempre pumayag ako kaagad agad! Ang oportunidad na makita sila ay napakagaling, pero ang maging instumentalist? Isang biyaya galing sa diyos!

"Thudump thudump! thudump thudump!" naririnig ko na ang sarili kong pusong sumasabay sa tugtog ng mga unang kumanta. "AHHHH!!!! WOOHOOOO!!!" nagsigawan na ng husto ang mga tao sa paglabas nila, at sinimulan ko ng mag tugtog sa una nilang kanta - "She's a 5 foot 10 in catsuit and bambi eyes. Everybody's who's staring wouldn't believe that this girl was mine, I should have know I was wrong when I left her for a life in pity. But they say you never miss the water until it's gone" Lahat na ay nag titilian sa buong istadyum pagkalabas na pagkalabas nila! Kahit ako mutik nang makalimutan ang trabaho ko; tumingala ako at tinignan ang buong lugar na punong puna ng makukulay na ilaw na nagmukhang kalawakang punong puno ng mga bitwin. Ngayon sa unang pagkakataon, naranasan ko ang ganito kasiyahan na kahit anong pera ay walang katumbas. 

Ang pinaka masayang parte ay ang makasama sa iisang entablado ang pinakapaborito kong banda, ang Westlife na makalipas ng tatlo nilang konsyerto sa bansa narito ako nagtratrabaho bilang guitarista nila. 

Pagsubok


Garcia Patrizia 
IV-8
            Ang buhay ng isang tao ay sabi nga ng nakararami maihahalintulad sa isang gulong na paikot ikot lamang. Hindi pwede habang buhay  tayo ay nasa itaas. May mga pagkakataon din na tayo ay nasa ibaba at makararanas ng paghihirap. Ngunit naniniwala ako na sa bawat pag bagsak na mararanasan ng isang tao sa kanyang buhay ay makatutulong ito na siya ay mas maging mas malakas at determinado para sa hinaharap. Ang taong umiiwas at takot humarap ng mga pagsubok sa buhay ay sa huli ay siya rin ang kaawaawa. 
Naranasan na ito ng aking pamilya. Lumaki ako na nabibigay ang lahat ng gusto at kalian ko sa buhay. Kung ano man ang gustuhin ko ay naibibigay saakin ng aking mga magulang. Ang bahay na aming tinitirhan ay kumpleto sa gamit. Naroon ang sala na may telibisyon, lamesa at tv. Ang kusina na kumpleto sa mga aparato at mga kwartong kumpleto rin sa gamit. Ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat ng kagamitang pinahahalagahan at  pinag trabahuhan ng aking mga magulang. 
Isang di inaasahang pangayayri ang sumalubong hindi lamang saaking pamilya ngunit sa libong libong pamilya sa ating bansa. Nakalulungkot talagang  isipin na sa isang araw lang ay milyon-milyong halaga ng mga kagamitan ang nasayang, libo-libong tao ang namatay at daan-daang pamilya ang naapektuhan. Ika-dalawamput anim ng Setyembre taong 2006 dumating ang bagyong  Odoy sa Pilipinas. Walang tigil ang ulan, bente quarto oras ang pag buhos nito at siyang naging dahilan ng matinding pag baha  kaya nama’y halos buong Metro Manila ang nasalanta .maging ang ibang mga gusali at opisina ay binaha. Halos walang kalyeng madaanan at nagkaroon ng ubusan sa pagkain. Napakyaw ang mga delatang tinda sa mga sari sari store at maging sa mga malalaking pamilihan. Maraming mga taong hindi na nakauwi mula sa kani kanilang opisina. At maraming residente ang nilikas ang kanilang tahanan dahil abot bubong na ang tubig na pumasok sa kanilang tirahan. Hindi naging madali para sa ating bansa harapin ang problemang ito. Sunod-sunod ang trahedyang nararanasan ng mga Pilipino tila ang mga ito ay walang katapusan. Ang ating gobyerno ay sinubukang tulungan ang mga taong nasalanta at wala na talagang pera pang bili ng makakain. Nag bigay sila ng mga donasyon para sa mga nanganagilangan. Kung titiganan natin puro perwisyo nga ang naidulot ng sakunang ito. Ngunit ating isipin ang magandang naidulot ng pag dating ng bagyong ondoy sa ating bansa. Nagkaisa ang mga Pilipino at tayo ay naghawak kamay at nagtulungan upang lahat ay makaraos. Ang mga pamilyang matataas ang antas sa ating lipunan ay hindi nag dalawang isip magbigay ng tulong. Natuto din tayong mas manalig ant mgtiwala sa Panginoon, naniniwala na malalagpasan rin ng ating bansa ang suliraning hinaharap.
Sa nangyaring ito masasabi natin na wala nga talagang pinipili ang trahedya. Mayaman man o mahirap ay kasama.ngunit sa bawat suliraning dumarating sa ating buhay hindi natin dapat ito hayaang mapabagsak ang ating pagkato bagkus, dapat  maging susi ito upang makami natin ang tagumpay.

Thursday, October 6, 2011

Ang henerasyon ngayon (Allison D. Barretto)

Sa mundo natin ngayon, nakapagtagumpay ang mga tao sa paglilikha ng iba’t ibang uri ng teknolohiya na kahit ang ating mga ninuno ay hindi mapag-iisipan. Meron na kayong mga apartao na sa pamamagitan lamang ng isang pindot, maaari na magkaroon ng iba’t ibang uri ng mga kontrol; mga kotse na masisimula sa pamamagitan ng isang pindutan sa halip na tradisyunal na susi. Nakagawa pa sila ng hotel na nasa ilalaim ng dagat at wala namang problema ang mga tao sa paghihinga roon.

Sa kasalukuyan ngayon na may mga pag-uunlad, ang mga kabataan at matatanda kay nagiging pamilyar sa pagbabago ng ating lipunan dahil sa maraming baguhing gamit. Ngunit, kahit ang mga bata sa edad ng walo ay maaring makita sa paligid na may hawak ng mga iPods, at laptop, o kaya mga tinedyers na nasanay sa pagkukuha ng kahit anong gusto lalo na kapag may bagong uso na naparating.

Oo, inaamin ko, isang bata rin ako na nabubuhay sa henersayon na ito ngunit ipinanganak parin ako sa panahon ng 90’s. Kaya alam ko kung paano maglipas ng aking pagkabata sa paglalaro ng mga manikang Barbie, at Polly Pocket at hindi lamang sa mga virtual na palaro mula sa iPad o PSP. Alam ko parin kung paano bumili ng load para sa koneskyon sa broadband internet na ginagawa ng manwal noong 2005 at hindi agad naipanganak sa panahon na may ideyang Wi-Fi koneksyon. Ang mga batang ito na napanganak sa ika-22 siglo ay may ibang klaseng pamumuhay kumpara sa nakaraang henerasyon.

Naaalala ko pa dati nung magkaroon ng pinaka-popular na cellphone na may abuhin na likuran at itim na mga letra, o mas kilala bilang Nokia 2100. Ito ay ang una kong telepono nung ako ay 9 na taong gulang at ang tanging laro noon ay yung Snake game. Ngayon, binibigyan ng mga magulang and kanilang mga batang anak ng iPhone 4 na may kasamang iba’t ibang pagmumukha at laruan.

Kahit na meron silang madadali na buhay, natatakot ako para sakanila dahil hindi nila naranasan ang pagkakataon ng pagsisikap at paghihirap at matutuo mula sa kanilang sariling pagraranas upang maging mas malakas at malaya.Parang ang mga bata ngayon ay handa na sa lahat nang nabibigay agad sakanila at hindi nila nakikita ang paghihirap na pinagdaanan ng mga tao na gumawa nun. Natatakot ako na kung ang kabataan ngayon ay ang ating pag-asa sa kinabukasan; paano na an gating mundo ngayon?

Wednesday, October 5, 2011

Nang Humagulgol ang Langit (Vinalay)

Ika-26 ng Septyembre, 2009, ang araw na tumama ang Ondoy; ang araw na kumitil ng maraming Pilipino at sumira sa ating mga ari-arian. Aakalain mo nung una ay isang normal na maulan na araw lamang at hindi magkakaproblema. Doon kami nagkamali.
Septyembre 25 pa lang ay wala nang humpa y ang pagbuhos ng ulan. Sa isang Pilipino, ito ay hindi na bago. Lagi lagi namang may malakas na ulan si Pilipinas lalo na sa panahong iyon. Kahit ang PAG-ASA mismo ay di nila inaasahan ang matinding pag-baha na idinulot ng Ondoy.
Pagpatak ng mga alas-dyes o alas-onse ng umaga ay nagsimula ng pumasok ang tubig sa loob ng aming bahay ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi na ito bago. Binabaha naman talaga kami sa aming subdibisyon kaya naman hindi namin, pati na rin ang ibang Pilipino, naisip na may matindi pang pagsubok na darating.
Tumaas ng tumaas ang lebel ng tubig habang patuloy naman ang paghagupit ng bagyong Ondoy. Sinubukan naming itaas ang mga gamit ngunit walang patawad ang pag pasok ng tubig sa loob ng aming bahay kaya naman marami-rami din kaming hindi nasalbang gamit.
Sa labas ng aming bahay, napakaraming Pilipino rin ang naghihirap at nagsisikap na mabuhay at maisalba ang kani-kanilang mga kagamitan, ngunit kahit anong pagpupursige ng mga Pilipino, marami paring binawian ng buhay at marami pa ring mga ari-ariang nawasak.
Nakaupo si Leah sa sofa – nagbabasa ng libro – habang ang kaniyang kapatid na si Tanya ay naghihikahos na nagaakyat ng mga kagamitan nila sa bahay. Malaks ang hagupit ng hangin sa labas, nagbabadya ng matinding unos na paparating. “Leah! Ano ba?! Tumulong ka nga dito! Hindi ka ba nanood ng balita kanina? May paparating na malaks na bagyo ah!” ang sigaw ni Leah mula sa kusina. “Grabe ka naman ate, konting hangin lang takot ka na? Don’t you worry my dear sister, matibay naman ‘tong bahay natin.” mahinahong sagot ni Leah.
“Pwede ba Leah, wag mo akong ingle-inglesin ngayon! ‘Di porket kakagaling mo lang sa Amerika ay wala ka nang gagawin dito sa bahay.”
“Ate naman, hangin lang yan!”
“Anong hangin lang yan? Palibhasa wala ka dito sa Pilipinas noong naghasik  ng lagim ang Ondoy.”
Naalala ni Leah ang Ondoy. Natakot nga siya noong siya’s nasa Amerika dahil walang balita tungkol sa pamilya niya noon. Tiningnan niya muli ang punto kung saan nagkikita ang pader at dingding. Kitang-kita pa ang marka kung hanggang saan umabot ang tubig noong humagupit ang bagyong Ondoy. Buti na lamang, dalawang palapag ang kanilang bahay kung kaya’t si ito nalubog ng buo.
                Nakatingin lamang sa bintana si Leah nang marinig niya ang mga unak pagpatak ng ulan hanggang sa tuluyan itong lumakas, bawat patak ay sing laki ng buto ng langka. Unti-unting nag-panic si Leah dahil sa lakas ng pagbagsak ng ulan ngunit nanindigan siyang hindi magbabaha. “Never namang mauulit ang Ondoy, right?” ang pabulong na tanong niya sa sarili. At para bang alam ni Tanya ang mga bumabagabag sa isipin ni Leah, “Leah, bilis-bilisan mo! Ganitong-ganito rin noong bagyong Ondoy, tandang tanda ko pa. Pakiramdam ko mauulit nanaman eh. Diyos ko! Wag naman sana.”
“Ay nako, ayoko nga tumulong, nakakatamad! Baka naman pagkataas natin ng lahat ng gamit ay biglang humupa ang bagyo.” Ang reklamong sagot ni Leah. Pagkasabi niya nito ay biglang nagliwanag ng sandali ang kalangitan na nasundan ng isang dumadagundong na kulog at biglang lalong nagdilim ang langit.
“Oh ano?” ang payabang ng tanong ni Tanya.
“O sige na nga! Magtaas na po!”

Mga pangyayaring hindi inaasahan. (Veronica Munchua)

               Bilang isang tao sa mundong ito, maraming mga pwedeng mangyari sa ating pang araw- araw na buhay. Mga pangyayari na masasaya at mga pangyayari na hindi natin inaasahan na pwedeng makapag pabago sa ating buhay na hindi natin  kailanman makakalimutan. Ito ay ang mga pangyayari na susbok sa ating buhay. Na sa atin nalang yun kung pano tayo tutugon sa mga pag subok na ito : kung taoba ay mas titibay pa dahil sa mga pag subok na napag daanan o kung tayo ay mag papadala lang kagad.

                Sa bansang Pilipinas marami ng dumating na mga iba`t ibang uri ng kalamidad. Mga kalamidad na nag pabago sa maraming mga Pilipino. Kalamidad na kumuha ng maraming buhay ng mga mamayan, mga taong walang kaalam alam na mapapaaga ang kanilang buhay dahil lamang sa isang kalamidad na dumating sa kanilang buhay. Sa isang taon, mahigit kumulang 20 na bagyo ang inaasahan na dumadating sa Pilipinas. Ang ika-15 na bagyo na tumama sa bansang ito para sa taong 2009 ay tinawag na "Ondoy." Nung Setyembre 26, 2009. humagupit ang bagyong "Ondoy." Ito ay isang malakas at matinding bagyo na hindi inaasahan ng lahat. Walang tigil na hagupit na malalakas na hangin at matitinding buhos ng ulan ang naramdaman ng mga Pilipino sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan para sa araw na iyon.

            Sa loob ng Siyam na oras tumagal ang pag buhos ng matitinding ulan at malakas na hangin na naramdaman sa iba’t ibang lugar at nag bunga ito ng pag kamatay ng 687 na katao at 37 naman ang nawawala. Na puntirya rin ang karamihan na mga tahanan at ari-arian ng mga mamayang Pilipino. Nag dulot rin ang bagyong Ondoy ng matinding pag baha sa maraming parte ng Pilipinas at marami ring mga kabuhayan sa mga probinsya ang mga nawala dahil lang sa hagupit ng bagyong ito. Nawalan rin ng mga kuryente ang halos buong Maynila at nawala rin ang mga linya ng telepono. 

            Kahit ang aking pamilya ay hindi kami nakatakas sa hagupit ng bagyong Ondoy. Pinasok ng tubig ang aming bahay at tuluyan ng nag baha sa loob na umabot hanggang tuhod. Wala kaming magawa kung hindi mag akyat ng mga kagamitan sa ika-lawang palapag n gaming bahay para walang masira. Sobrang nahirapan kami kumilos dahil puro tubig na ang aming bahay. Hindi namin inaasahan na papasok ito. Nag lalakad kami sa tubigan at sobrang nahihirapan kasi alam naman naming na hindi malinis ang mga tubig na ito at pwede pa makuhaan ng sakit. Kumakain kami ng walang ilaw at natutulog ng walang kuryente. Hindi kami makalabas ng aming bahay dulot ng malalakas na ulan at hagupit ng hangin. Kahit linya ng telepono ay nawala rin kaya naman wala kaming paraan para kamustahin ang mga kamang-anak namin sa ibang lugar. Kahit ang mga cell phone naming ay wala narin baterya at wala kaming paraan para mag charge dahil nga sa kawalaan ng kuryente. Buti nalang sa panahon na iyon ay may sapat na pagkain kami na naimbak ang aming mga magulang para may makain kami. Ang tanging libangan nalang nain noong panahon na iyon ay ang radio de-baterya ng aming katulong. Duon naming naririnig ang mga balita at kaganapan na nagyayari na sa buong Pilipinas at kung ano na ang balita sa bagyong Ondoy.  

            Talaga nga naman hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari sa ating buhay. Maraming mga kaganapan na hindi natin inaasahan na darating nalang at wala na tayong magagawa pag andiyan na. Wala na tayong magagawa kung hindi harapin nalang ang mga ito at maging malakas. Dapat ay lagi tayong handa sa kahit anong mangyari sa atin. Wag tayo bibigay na lamang pag hindi na natin kaya. Isipin nalang natin na kung nahihirapan na tayo ay may mas nahihirapan rin sa atin. Dapat ay mag pasalamat nalang tayo sa ating buhay na mayroon tayo at patuloy na mag dasal sa may kapal na lagi niya tayong gabayan sa ating pang araw-araw na gawin sa ating buhay. Wag rin natin kalimutan na lagi lang siyang andiyan kahit anong mangyari. May mga pamilya, kaibigan at mga tao rin na hindi tayo pababayaan at handing tumulong sa pang araw-araw na buhay natin. 

Ang Media sa Wikang Filipino (CHERMAINE FULGENCIO)


            Ang Media sa Wikang Filipino 

           
            Ang media ay naging parte na ng ating buhay, lalong lalo na sa mga kabataan ngayon. Marami ng mga bagay ang pwede makaimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Ito rin ay malaking epekto sa pag-iisip ng mga kabataan. Sa ating henerasyon, lalo pang lumalago ang iba’t iba pang mga klase ng teknolohiya. Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na  kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Marami na ang nagbago kumpara sa mga panahon ng aking mga magulang. Masasabi kong maswerte na rin ako dahil mas pinadali ng teknolohiya ang ating buhay ngayon. Pero isaalang alang natin ang mga masasamang epekto nang pag gamit ng mga ito.

     Text messaging, online games, blogging at pag gawa ng mga accounts sa Twitter, Facebook, Multiply at kung ano- ano pang pwedeng pagkaabalahan ng mga kabataan ngayon. Ang mga ibinigay kong listahan ay naging malaking epekto sa maling pag gamit at pag limot ng wikang Filipino. Masyado ng malaki ang impluwensya ng teknolohiya sa kabataan kaya pati ang pamamaraan ng pagsusulat ay naaapekto na rin. Kahit tayo ay gumagamit ng mga ito, huwag natin kalimutan ang sarili nating wika. Dapat natin gamitin ito ng tama at huwag natin ikahiya. Kung ako ang iyong tatanungin, napakahalaga ng wika natin dito sa Pilipinas dahil ang isang bansa ay uunlad lamang sa sarili nitong wika. Mahalin natin ang sarili nating wika dahil ito rin ay malaking sangkap sa paguunlad ng ating bansa.  Tuwing Buwan ng Agosto, ipinagdiriwang na mga mamamamayang Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa. Hindi lamang sa buwan ng Agosto natin dapat gamitin ang ating wika. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiya sa media. Paglago ng makabagong teknolohiya ang isang malaking impluwensya sa mga kabantaan sa pagsusulat. Ang Internet, na kadalasan ay ginagamit ang Wikang Ingles, ay isang malaking impluwensya kung bakit tayo ay nakakalimot na sa tamang paggamit ng WIkang Filipino. Aminin natin na nagkakamali rin tayo sa pag gamit ng Wika sapagkat dapat natin aralin at itama ang ating mga pagkakamali. Nangangahulugan din ito  na huwag nating ikahiya ang ating mga wika.  Dapat pa nga natin itong  ipagmalaki.




Kabataan at ang Party

      "Uy! May party mamaya! Pupunta ka ba?" Ang isang pangungusap na itatanong ng mga bata sakanilang mga kaibigan. Tuwing maririnig ito ng kung sino mang kabataan ay magiging interesido sila lalo na kung sila ay mahilig umalis ng gabi at uminom kasama ng mga kaibigan nila. Minsan nga ay hindi na sila nakakauwi dahil sa kalasingan at hindi na kaya pang umuwi. Yung iba naman ay ayaw lang din umuwi. Sa mga gantong bagay, hindi natin lubos na maintindihan o malaman kung sila talaga ay pinapayagan ng kanilang mga magulang.   
      Panigurado naman ang iba ay tumatakas lang o nag papaalam na mag oover-night sa bahay ng kaibigan pero ang totoo ay aalis sila at gigimik. Itong mga kabataan na ito ay hindi na naisip ang kanilang magulang kung sila ba ay okay lang at hindi nag aalala. Minsan nga ay, sinasarahan pa ng telepono o hindi pinapansin ang tawag ng mga magulang nila dahil sila ay nag sasaya. Ang mga batang ito ay mga mangmang pa at hindi alam kung ano ang pakiramdam ng isang magulang kapag ang kanilang mga anak ay nasa labas at hindi nila kapiling. Hindi nila lubos na isip kung ano ang sistema ng magulang nila sa bahay. Ang pag gimik or ang pag papa party ay dapat may limitasyon. Hindi laging pwede dahil, aabusuhin ito ng mga bata. Ang mga magulang ay dapat maging maingat sakanilang anak dahil baka may masamang mangyari sakanilang anak. Katulad na lang ng isang hayskul student na parte ng cheerleading. 
      Kasama ang kanyang mga kaibigan tuwing sumasapit ang biyernes lagi silang umaalis ng mga kaibigan nila at bumibili ng mga inuming nakakalasing. Ang babaeng ito ay walang tigil uminom hanggang siya ay malasing. Siya pa nga ay sumama sa mga ibang tao at nakikisaya. At hindi marunong mag pigil. Kwento pa nga niya ay, tuwing umaaalis ang kanyang magulang ay imbes na kung san siya pumunta ay siya pa ay nag papa punta ng mga kaibigan niya sakanila. Umiinom sila hanggang sila ay malasing at walang tigil. Dito pa lang ay malalaman natin na hindi daapat it o tularan ng mga kabataan. At kung tayo ay iinom, dapat ay may limitasyon at alam natin kung san tayo lulugar. Dapat ay maging maayos tayo  at alamin natin kung tama ba o mali ang ating mga pinag gagawa.

Planking

Ng magising si Ana agad agad siyang lumabas ng kanyang kwarto at hinanap ang kanyang  nanay. Napansin niyang wala na ang upuan na nasa labas ng kwarto niya. Pag labas niya ng “terrace” nakita niya ang nanay na nandoon at nakapatong sa upuan na dapat ay nasa labas ng kanyang kwarto. Tinanong niya ang nanay niya kung ano ang ginagawa niya at ang sabi ng nanay ay planking daw ang tawag dun. Nagulat ang anak at natakot dahil baka muhulog ang kanyang nanay sa ginagawa niya. 


Sa panahon ngayon, uso talaga ang tinatawag na planking. Ito ay minsan ding tinatawag na "lying down game" kung saan ka hihiga ng nakadapa sa kahit anong lugar na ang iyong kamay ay nasa gilid ng iyong katawan at dapat may magpipicture sayo habang ginagawa mo ito. Mas maganada kung ikaw ay nasa lugar kung saan hindi masyadong ginagawa ang planking. Ang ibang mga tao ay ginagawa ito sa bubong, lamesa, upuan, at iba pang mga lugar na kakaiba. Pero ito nga ba ay ligtas? Marami ng mga disgrasiya na nangyari habang ginagawa ito. Tulad ni Acton Beale, 20 taong gulang, na namatay dahil ginawa niya ito sa ika 7 na palapag sa Austrailia.Marami na ring mga aksidenteng nangyari dahil sa ginagawa ng mga taong hindi maingat. Masaya naman daw ito pero kailangan din naman nilang malaman ang kanilang mga limitasyon para wala ng madisgrasiya. Hindi talaga masama ang planking kahit marami ng nagsasabi na dapat gawin tong illegal. Ay may mali lang ay ang mga taong hindi nagiingat kaya nauuwi ito sa hindi maganda. Ang importante sa pagpaplanking ay ang kaligtasan ng mga tao sa ginagawa nila.