Sunday, October 16, 2011

AKO ANG PAG-ASA (Trisha Vitanzo)

“Ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan” –wika ni Jose Rizal na pinaniniwalaan ng maraming tao. Sapagkat may iba rin, binabaliwala ang kahalagahan ng kasabihang ito. Tunay nga bang mga kabataan, na katulad ko, ay karapat dapat na itawag ang pag-asa?

Noong ako ay inosente sa realidad at sa mga problema ng ating bansa, inaamin kong wala akong pakielam sa mga suliranin na hinaharap nila noon. Iniisip ko na magagawa at masosolusyonan naman ito ng mga nakakatanda dahil mas higit ang kaalaman nila sa mga bagay na ganito. Naalala ko mahilig kong hanap hanapin ang nanay ko sa aking tabi kapag ako ay matutulog, dahil noon ay naniniwala ako sa mga multo at mga demonyo na mahahanap mo sa ilalim ng iyong kama. Lagi ko ring inaasahan ang aking tatay sa mga takdang-aralin na sa tingin ko ay mahirap ngunit hindi ko pa nasusubukang sagutin at intindihin ng husto. At dahil lagi silang nandiyan sa aking tabi, nakasanayan kong magawa ang isang bagay kasama ang aking magulang. Kaya’t naniwala ako na ang mga taong katulad ng aking tatay at nanay ang makakaahon sa ating mga problema dahil sila ang aking pag-asa habang kinikilala ko ang tunay na mundo.

May isang parte sa aking buhay na pinagsabihan ako ng aking nanay, “Anak, wag ka laging umasa sa amin! Dapat matuto kang gumawa ng mga bagay magisa dahil pagtumanda na kami ng daddy mo, wala nang magaasikaso sa inyo kundi ikaw.” Nang marinig ko ito mula sa bibig ng aking nanay, napagisip ko na tama nga naman ang sinabi niya sa akin. Balang araw, mawawala na sila sa tabi ko. Mamaya maya hindi na nila kayang gawin yung mga bagay na makakaapekto sa kanilang kalusugan. Sinubukan kong tapusin ang isang bagay mag-isa, ngunit ako ay bumigo. At kahit paulit-ulit man akong hindi nagtagumpay, hindi ito nagging rason sa pagtigil sa pagtiwala sa aking sarili na makukuha ko lahat ng aking pinaghirapan. Pinalaki ako ng aking magulang na may disiplina at respeto. Mahalaga sa kanilang ang mga ugaling nabanggit ko. Sabi nila, kung wala ang mga ito hindi magtatagumpay sa buhay ang isang tao.

Biniyayaan ako ng Diyos, at binigyan ng pagkakataon na tumakbo bilang isang Sangguniang Kabataan Chairman. Marami akong nagawang proyekto para mapabuti ang aming barangay. At dahil sa pagiging aktibo at maresponsableng chairman, ako ay nakilala sa aming barangay dahil napapakita ko kung ano dapat ang isang lider. Ngayon, napapatunayan kong kahit sa simpleng bagay na magagawa mo para sa kapwa mong tao, marami ka nang matutulungan at mapapasaya. Napakita ko sa mga kabataan na parating may solusyon sa lahat ng problema. Napapabukas ko ang kanilang mata sa realidad at huwag matakot harapin ang mga pagsubok na dadaan sa ating buhay. At higit sa lahat, ako ay tumayo bilang isang ate, kaibigan, lider, at inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon na batang katulad ko.

 Masasabi ko na ako ay isa sa mga “pag-asa” sa ating bayan. Libulibong bata ang makakaahon sa ating problema, sigurado akong magagawa natin yun kapag lahat tayo ay nagkaisa at nagtulungan.

No comments:

Post a Comment